video chat

Saturday, September 7, 2013

BEEF BROCOLLI STIR FRY

Beef Brocolli stir fry



PARAAN NG PAGLULUTO

MGA SANGKAP
  • karne ng baka (hiwain ng pahaba)
  • 1/2 kilo Brocolli (hiwain sa tamang laki)
  • 1 tasa ng oyster sauce
  • 2 tasa ng tubig
  • soy sauce
  • beef broth cubes
  • bawang
  • sibuyas
  • luya (kung gusto)

PARAAN NG PAGLULUTO

pakuluan ang ginayat na brocolli ng hanggang 3 minuto, hanguin sa pinagpakuluan saka itabi.

ilagay sa isang kaserola ang hiniwang karne. lagyan ng paminta at asin

pakuluan ito sa 2 tasang tubig hanggang sa lumambot.
dagdagan ng tubig kung kinakailangan

igisa ang bawang at sibuyas, isunod ang pinakuluang karne ng baka. siguraduhing malambot na ito at lagyan ng kalahating tasa ng sabaw. ilagay ang oyster sauce, soy sauce at beef broth cube at haluin ng haluin hanggang sa lumapot ang sarsa.
ihalo ang Brocolli pag malapit nang hanguin. ihain habang mainit pa.

SOURCE

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=372961556054818&set=a.172639309420378.40176.172615292756113&type=1&theater

No comments:

Post a Comment